unang guhit ng tisa

“Action speaks louder than words.”

– Ako kahit words lang ayos na. Sige partida, kahit text na lang o kahit “K” man lang. Pagtiyatiyagaan ko na rin kung ma-wrong send ka pa. Malamang na di naman tinotopak ang network dahil masigasig pa rin magtext si kumareng FREE at 4438. 

Kung  pwede nga lang limusin ang oras para kahit sa isang minuto (or even 10 sec. will do) lang ng panahon mo. Samantalang ikaw, halos araw-araw ka kung tumambay sa isip ko. Paking shit lang talaga.